Kung pakikinggan lamang, hindi natin agad
malalaman kung "Nang" o "Ng" ang ginamit sa isang
pangungusap dahil halos magkasingtunog ang dalawang salita. Nguni't sa pormal
na pagsusulat, nararapat na malaman ang tamang gamit ng "nang" at
"ng".
A. NANG
a. Makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro,
tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na
hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.
b. Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of
manner).
Halimbawa:
1.
Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang
tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
c. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.
1.
Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2.
Kanina pa siya ikot nang ikot.
B. NG
a.
Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1.
Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang
palad ng mayayaman ay tila napakanipis.
Sapat nang tandaan ang gamit ng NANG upang
hindi malito sa wastong paggamit ng NANG at NG.
Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa
(verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG din ang gamit sa
unahan ng pangungusap.
Asigtersubs_ya_1986 Pete Johnson Free Download
ReplyDeletesiaphoconne