Thursday, August 25, 2016

Epiko

Agyu

(Epiko ng Ilianon)


Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman.  Sa tradisyong Ilianon sila’y magkakapatid na anak ni Pamulaw.  Si Agyu ay may apat na kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko.  Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak.  Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang pagkit pambayad, kaya’t kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may ulser.  Gumanti si Kuyasu at kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib.  Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera dahil napatay ang datu.  Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng kuta sa bundok ng Ilian.  Ang mga mandirigmang Morong nagdaan sa Ilog Palangi ay dumating at nakita ang kutang ginawa ng mga Ilianon.  Nakipaglaban sina Agyu sa mga Moro at halos naubos ang mga kaaway.
Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan.  Pinili niya ang bundok ng Pinamatun.  Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang at dito sila sinalakay.  Lumaban ang mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng look ng Linayagon.  Nang sila’y naubusan ng tauhan, ang batang anak ni Agyu na si Tanagyaw ay nagprisintang sasagupa sa mga kaaway.  Napatay niyang lahat ang kalaban nang ikaapat na araw.  Narating ni Tanagyaw ang bayang Bablayon.  Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang malaman niyang lulusubin sila ng mga kaaway o mananakop nanlaban at napatay ni Tanagyaw ang mga mananakop.  Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang kanyang anak kay Tanagyaw.
Di nagluwa’t ang bayan ni Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na galing sa ibayong dagat.  Ang mga lalaki, bata at matanda ay sinabihang lumaban ngunit sila’y natalo.  Hinulaan ng propeta ang malagim nilang wakas ngunit sinalungat at pinarusahan siya ni Tanagyaw.  Nagbihis siya ng sampung suson makasiyam ang kapal at dinampot ang kanyang sibat at kalasag na hindi nasisira.  Nilabanan niya ang mga mananakop sa dalampasigan.  Naghambalong ang mga patay, patung-patong, na parang bundok at burol.
Itinalaga ni Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan doon kasama ang kanyang kaakit-akit na asawa.


Alim

(Epiko ng mga Ifugao)


Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganang-sagana.  Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda.  Ang mga kagubatan ay maraming mga hayop na madaling hulihin.  Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain.  Pag ibig nilang kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroroon na ang bigas na isasaing.  Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan.  Noon, ang daigdig ay patag na patag maliban sa dalawang bundok : ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.
Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan.  Natuyo ang mga ilog.  Namatay ang mga tao.  Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog.  Ang tubig ay bumalong.  Natuwa ang mga tao at sila ay nagdiwang.  Subalit bumuhos ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog.  Tumaas nang tumaas ang tubig.  Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ng baha.  Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sina Bugan at Wigan.
Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan.  Nakita ito ni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw.  Pumunta si Wigan kay Bugan.  Nalaman nilang silang dalawa lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig.  Nagtayo ng bahay si Wigan na tinirahan nila ni Bugan.  Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay nagdalantao.  Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na magpakamatay.
Pinigil siya ng isang matanda.  Ito'y bathala ng mga Ifugao, si Makanungan.  Ikinasal ni Makanungan si Wigan at si Bugan.  Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae.  Nang dumating sila sa hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae.  Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa.  Namuhay silang masagana.
Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot.  Wala silang ani.  Naalala ni Wigan at ni Bugan si Makanungan.  Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na daga.  Patuloy pa rin ang tagtuyot.  Naisipan nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala.  Natapos ang pagsasalat at tuyot.
Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog ng buhay ni Igon.  Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at Bugan.  Sinabi niyang maghihiwa-hiwalay ang magkakapatid - sa timog, sa hilaga, sa kanluran, sa silangan.  Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-aaway at magpapatayan.  Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan, magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.





Bantugan

(Epikong Mindanao)


Si Nalungkot si Haring Madali.  Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan.  Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan.  Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan.  Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali.  Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran.  Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran.  Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag.  Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw.  Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran.  Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang.  Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali.  Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan.  Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak.  Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.





Alim

(Epiko ng mga Ifugao)


Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganang-sagana.  Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda.  Ang mga kagubatan ay maraming mga hayop na madaling hulihin.  Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain.  Pag ibig nilang kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroroon na ang bigas na isasaing.  Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan.  Noon, ang daigdig ay patag na patag maliban sa dalawang bundok : ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.
Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan.  Natuyo ang mga ilog.  Namatay ang mga tao.  Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog.  Ang tubig ay bumalong.  Natuwa ang mga tao at sila ay nagdiwang.  Subalit bumuhos ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog.  Tumaas nang tumaas ang tubig.  Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ng baha.  Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sina Bugan at Wigan.
Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan.  Nakita ito ni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw.  Pumunta si Wigan kay Bugan.  Nalaman nilang silang dalawa lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig.  Nagtayo ng bahay si Wigan na tinirahan nila ni Bugan.  Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay nagdalantao.  Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na magpakamatay.
Pinigil siya ng isang matanda.  Ito'y bathala ng mga Ifugao, si Makanungan.  Ikinasal ni Makanungan si Wigan at si Bugan.  Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae.  Nang dumating sila sa hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae.  Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa.  Namuhay silang masagana.
Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot.  Wala silang ani.  Naalala ni Wigan at ni Bugan si Makanungan.  Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na daga.  Patuloy pa rin ang tagtuyot.  Naisipan nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala.  Natapos ang pagsasalat at tuyot.
Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog ng buhay ni Igon.  Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at Bugan.  Sinabi niyang maghihiwa-hiwalay ang magkakapatid - sa timog, sa hilaga, sa kanluran, sa silangan.  Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-aaway at magpapatayan.  Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan, magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.






Darangan

(Epikong Maranao)


yroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki.  Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan.  Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali.  Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino.  Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso.  Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na nakapatay sa ilang taong-bayan.  Hindi makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.
Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.
Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya?  Sinasapian siguro siya ng mga diyos! sabi naman ng isa.
Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng bayan.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian.  Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan.  At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian.  Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian.  Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila.  Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari.  Nagkaroon ng protesta ang mga nasa ranggo.  Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari.  Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway! sabing isang matanda sa pamilihan.
Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki.  
Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan.  Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa.  Siya mismo ang nagpatunay para sa kanyang kapatid.
Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian.  Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas.  At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal.  Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali.  Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig.  Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya.  Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma.  Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.
Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan.  Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.
Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid.  Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit.  Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan.  Kahit ang mga taong kanyang minahal.  Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari.  Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.
Ang Darangan ng mga Muslim ay mga salaysay na patula hinggil sa kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat mapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim. Ang Darangan ay hindi iisang epiko – marami – ngunit tatatlo lamang ang napasalin pa sa Ingles at ito’y utang sa pagsasaliksik ni G. FrankLauback. Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang lalong popular sa lahat ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sa palibot ng Lawa ng Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon na nakapag-uulit sa kabuuan ng Bantugan.


1 comment: