Ang
Aso at ang Ibon
Isang
araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon,
isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan, Hindi niya maalis ang
bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-
lakas.
Tumakbo
siya kung saan-saan upang humanap ng makapa-aalis ng kanyang bikig. Parang
namamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay
niya ang anumang mayroon siya sa makapag aalis ng kaniyang bikig at tinik sa
kanyang lalamunan.
Tumihaya
na ang aso at ibinuka ang kanyang bunganga. Ipinasok naman ng pusa ang kanyang
ulo hanggang leeg upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang pusa ay
nagsalita, "Akin na ang aking gantimpala." Umuungol ang aso. Inilabas
ang matatalim na pangil. "Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulos
sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi napahamak", wika ng aso
na waring nanunumbat.
Ang
Pulubi
Minsan
may dalawang pulubi na nasa lansangan na namamalimos ng barya sa mga nagdaraan.
Isang gabi, sila'y ginising mula sa pagkakahimbing ng isang nakasisilaw na
liwanag. At mula sa liwanag na iyon ay may namataan silang isang pambihirang
nilalang.
Maganda
ang damit at gawa sa mamahaling bato ang kasuotan nito. Natuwa ang dalawang
pulubi. "Ito na marahil ang hari ang mga hari," ang sabi ng isa.
"Tama! Pagkakalooban niya tayo ng kayamanan, at hindi na uli tayo
kailangan pang mamalimos!"
Lumapit
nga sa kanila ang hari at sila'y kinausap. "Ano ang maaari ninyong ihandog
sa akin?" ang tanong nito. Nagtaka and isang pulubi. Bakit sila pa ang
magbibigay? Ang naisaloob niya.
Samantalang
ang ikalawang pulubi ay nagmamadaling nagbukas ng kanyang sako at kumuha ng
pinakamalaking piraso ng tinapay na mayroon siya. "Anong gagawin mo?"
ang tanong ng naunang pulubi dito. "Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki
kong tinapay." "Nababaliw ka na ba? At papaano ka?"
"Karapat-dapat lamang ipagkaloob sa hari ang nararapat para sa kanya at
ito ang aking gagawin!"
Inalay
nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay. "Ito lang po ang
aking maipagkakaloob," ang sabi pa nito sa hari." Ngunit ito na po
ang pinakamalaking bagay sa buhay ko. Nawa'y tanggapin ninyo." Tinanggap
ng hari ang tinapay na alay ng pulubi.
Nang
balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog ng naghahagilap
ang pulubing iyon sa paghahanap ng maipagkakaloob. Sa wakas, nakakita rin ito
ng pinakamaliit na butil ng mais. Inalay nito sa hari ang naturang butil ng
mais. "Heto lang ang maaari kong ipagkaloob sa inyo," ang sabi pa
nito. Iyon lang at tinanggap iyon ng hari. At bigla ngang naglaho ang liwanag
at nawala na rin ang hari. Maya-maya'y may napansin ang isang pulubi sa
buhat-buhat niyang sako. Animo bumigat iyon. Nang buksan niya iyon, laking
gulat niya sa nakita! Sa loob ng sako ay may nakalagay na ginto! Isang malaking
piraso ng ginto na 'sing laki ng tinapay na ipinagkaloob niya sa hari!
Napalunok ang isa pang pulubi nang makita iyon. Nang bisitahin din niya ang kanyang
sako, hindi siya nagulat nang makita niyang nakalagay na ginto doon. Gintong
'sing liit ng isang butil ng mais na ipinagkaloob niya.
MENSAHE:
Kung
ano ang itinanim, siyang aanihin. Kung ano ang ipinagkaloob natin sa Diyos ay
siya rin nating tatanggapin.
Ang
Kambing at ang Magsasaka
Isang
araw ay nahulog ang kambing sa balon. Umatungal ito ng umatungal na
nakapagpataranta sa magsasakang may-ari ng kambing.
Wala
siyang malamang gawin para maiakyat niya ito mula sa malalim na balon. Kaya
minabuti niyang tabunan na lang ng lupa ang balon kasama ang kambing. Tutal
matanda na ang kambing at ang balon naman ay wala ng tubig na makukuha.
Kaya
humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay upang matabunan kaagad ang balon para
matigil na ang pa-atungal ng kambing.
Lalong
umatungal ang kambing nang maunawaan niya ang gustong gawin ng magsasaka.
Ibabaon siya ng buhay.
Ilang
sandali lang ay tumahimik na ang kambing. Dumukwang ang magsasaka kung bakit
wala ng ingay na nanggagaling sa balon. Nakita niya ang kambing na nakatayo sa
lupang kanilang itinatabon. Tuwing may itinatapon na lupa ay niluluksuhan ng
kambing para makarating siya sa itaas. Hanggang nang mapupuno na ang balon, ay
tumalon ang kambing sa itaas na ikinagulat ng mga tao.
Para
rin yang mga taong nagtatapon sa inyo ng dumi. Kagaya ng kambing ay tinatapakan
lang niya at pinapalis ang dumi hanggang sa siya ay makarating sa itaas.
Ang
Gutom Na Aso
Mayroong
isang malupit na mapang-alipin na hari kaya ang diyos na si Indra ay
nagbalatkayong isang mangangaso.
Kasama
niya ang Demonyong si Matali na nag-anyong napakalaking aso, sila ay bumaba sa
lupa. Pagpasok nila sa palasyo ay umatungal nang napakalungkot kung kaya ang
mga gusali ay nayanig ang kailaliman nito. Ang malupit na hari ay nag-utos na
dalhin ang mangangaso sa kaniyang harapan at tinanong ang dahilan ng
pag-aalulong ng aso.
Sabi
ng mangangaso, "Ang aso ay gutom ". Kaya dali-daling nag-utos ang
hari na kumuha ng pagkain. Pagkatapos ubusin ang hinandang pagkain, umalulong
ulit ang aso. Nag-utos ulit na magdala ng pagkain ang hari para sa aso hanggang
maubos ang kanilang inimbak na pagkain, hindi pa rin huminto ang aso sa
kaaalulong. Naging desperado ang hari. Siya ay nagtanong, "Walang
makakabusog sa asong iyan?" "Wala", sagot ng mangangaso.
"Maliban siguro kung ipapakain ang balat ng kaniyang mga kaaway. "At
sino ang mga kaaway niya ?" urirat ng hari.
Sumagot
ang mangangaso: Ang aso ay [atuloy na aalulong hanggang may naguguton na tao sa
kaharian at ang kaniyang mga kaaway ay ang mga malulupit na umaapi sa
mahihirap.
Ang
hari na tinutukoy ng Mangangaso ay naalala ang kaniyang masasamang gawi at siya
ay nagtika at sa unang pagkakataon ay nakinig siya sa pangaral ng kabutihan.
Thankyou it's very useful
ReplyDeleteso long to write oml
ReplyDeleteYuuh
DeleteIt helps. Thankkkkk youuuuu
ReplyDeleteHi this is useful because this is our last project so im doing it 😀❤
ReplyDelete...than you next❤
ReplyDeleteKaze
Nice one
ReplyDelete