Ang globo ay modelo ng mundo. Sa globo
makikita ang kabuuang larawan kung saan nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa, mgakaragatan, at mga kontinente.
Mga
bahagi ng globo
1.
Ekwador -
ito ang humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at
timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang
tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na
pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.
2.
Latitude -
ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na
ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng
isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.
3.
Longitude -
ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog.
Kahanay ito ng punong meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar
pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano.
4.
Punong Meridyano -
matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich
dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera.
5.
Internasyunal na Guhit ng Petsa (International
Date Line) - matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang
pagpalit ng petsa at oras.
6.
Grid o Parilya -
ito ay nabubuo kapag pinagsama o nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit
longhitud.
7.
Hilagang Hating Globo - ang itaas na bahagi
ng ekwador.
8.
Timog Hating Globo - ang ibabang bahagi ng
ekwador.
Tatlong
malalaking pangkat ng latitud:
1.
Mababang Latitud
2.
Gitnang Latitud
3.
Mataas na Latitud
Natatanging
guhit sa mukha ng globo:
Kaibahan ng globo sa mapa
Ang mapa ay may iba`t ibang uri.
ang mapang pulitikal at ang mapang pisikal
ang mapa ay nagpapakita ng ibat ibang bahagi ng mga bansa.
ang globo naman ay isang modelo ng mundo..
Minsan din, ang mapa ay nagpapakita lang ng isang kontinente, isang bansa o bahagi lamang ng bansa ngunit ang globo ay pinapakit ang buong mundo.
Ang mapa ay patag at ang globo ay bilog o kahugis ng mundo.
Meron ding ibang mapa na napapakita ng iba pang impormasyon sa likod o kaya ay nakikita din ang maliliit na detalye gaya ng mga kalsada at iba pa (lalo na kung ito ay mapa ng siyudad). Sa globo naman, hindi mo makikita ito dahil masyado itong maliit kung ikukumpara sa buong mundo.

No comments:
Post a Comment