Kahulugan
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal,
disiplinadong inquiy sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa
kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o
resolusyon nito.
Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel:1976).
Layunin
Ang pangunahinglayunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nina Good at Scates (1972). The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.
Mga katangian ng Mabuting Pananaliksik
Mula pa lamang sa mga depinisyong inalahad na sa unang bahagi ng ksyong ito ay mahahango na natin ang mga sumusunod na katangian ng mabuting pananaliksik na binigyan ng sapat na pagpapaliwanag sa mga kasunod natalataan:
a) Ang pananaliksik ay sistematik
. May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa pagkalutas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
b) Ang pananaliksik ay kontrolado
. Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.
c) Ang pananaliksik ay empirikal
. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
d) Ang pananaliksik ay mapanuri
. Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.

Pananaliksik: Kahulugan, Layunin, Katangian at Uri
e)Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal at walang pagkiling
. Lahat ng tuklas o findingsat mga kongklusyon ay may kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang ginagawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik, Walang puwang dito ang mga pansariling pagkiling.
f) Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo
. Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
g)Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda
. Maliban sa historikal a pananaliksik, ang mga datos na nakala ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymarsorses o mga hanguang first-hand.
h) Ang pananaliksik ay isang akyureyt na ibestigasyon.
obserbasyon at deskripsyon. Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt na ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Samakatwid lahat ng kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.
i) Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali
. Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawak hakbang nito.
j) Ang pananaliksik ay pinagisikapan.
Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangang itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
k) Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang
. Kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik.
l) Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat
.
Lahat ng mga datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala.
No comments:
Post a Comment