Monday, August 29, 2016

Paggalang sa Pananalita

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging magalang. Isa ito sa ating mga katangian na talaga namang kinalulugdan sa ating mga Pilipino. Ang ating mga anak ay dapat nating turuan na maging magalang, maging sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
Ang mga nasa ibaba ay ilan lamang sa mga salitang nagpapakita ng paggalang.
·         ‘Po’ at ‘opo’ – ang mga ito ay ginagamit kung ang kausap ay nakatatanda sa iyo
·         ‘Tao po’ – ginagamit ito kung bumibisita sa ibang bahay
·         ‘Maraming salamat’ – sinasabi sa taong nagbigay ng tulong o anumang bagay sa iyo
·         ‘Walang anuman’ – sagot sa pasasalamat
·         ‘Magandang umaga, hapon o gabi’ – ginagamit sa pagbati
·         ‘Mawalang galang na po’ – ginagamit kapag may mensaheng dapat na ipaalam


No comments:

Post a Comment