KABULUHAN NG BUHAY
ni Emmar C. Flojo
ni Emmar C. Flojo
Labis ang pagsisisi ni Jose habang kumakain sa hapag ng agahan. “Bakit! Bakit
pa ba ako isinilang—kung ganito lamang ako sanay namatay na lang ako,” sambit
nito sa kanyang sarili habang pilit na isinusubo ang kaning may ilang butil ng
asin sa kanyang plato. Mariing pinagmamasdan ng kanyang inay na kararating pa
lang upang kunin ang paglalabhan sa kabilang bahay.
“Ano ba naman ‘yan Jose, ang kanin matatapon! Umayos ka, nagpapakahirap na nga
ako sa paglalabada’y pinaglalaruan mo lamang ang kaning ‘yan. Tandaan mo anak,
ang bawat grasyang nakahain diyan sa hapag ay galing sa aking pawis. Sanay maawa
ka naman,” pagpapaliwanag ng kanyang magulang.
Magkailang linggo na ring naririnig ang pangaral ng kanyang inay simula nang
namatay ang asawa nito. “Ano ba naman ‘yan inay, sawa na ako sa buhay na ito.
Sanay namatay na lamang ako ng pinanganak mo ‘ko, Boyset na buhay to oh!”
“At ganun...! Pagkatapos kitang palakihin ganito pa ang isusumbat mo sa akin,
wala ka talagang kwentang anak.”
“Mas mabuti pa ang aking mga kaibigan naiintindihan ako, eh ikaw nay, neh wala
ka ngang oras para sa akin. Basta lang mapakain mo lang ang iyong anak ay tama
na yon sayo ‘yon.” Tumayo si Jose at kinuha nito ang bag sabay nilisan nito ang
bahay papuntang eskwelahan.
Labing-anim na taon na si Jose, nag-iisang anak ni Aling Lumen sa asawa nitong
kamamatay pa lamang kamakailan lamang. Mag-isa na lang kumakayod siya kaya’t sa
pagpapaaral nito sa kaisa-isa niyang anak sa kolehiyo ay masyadong napakahirap.
Wala siyang maaasahan kundi ang sarili nyang pagpupunyagi sa buhay.
Sa bukanan pa lamang ng eskuwelahan ay nakasalubong ni Jose sina Brando at mga
kaibigan nito. “Hali kana pare, sumama ka na sa amin” wika ni Brando. Walang
pag-aalinlangan tumugon siya sa paanyaya nito dahil sa nangyaring pagtatalo
nito sa kanyang inay. Gusto niyang makalasap ng ibang ihip ng hangin na
magdadala sa kanya ng pagkalimot sa nangyari sa kanilang mag-ina. “Teka, Saan
ba tayo tutungo?” ika niya. “Basta sumunod ka na lang sa amin!” tugon ni
Brando.
Isang madilim at lumang establisyemento ang pinuntahan nila, nakita ni Jose ang
mga nagsisipaghintay na mga lalaking nagsisipagkwentuhan. Madilim ito at malayo
sa mga tao, sulung-sulo walang makaririnig sayo kundi ang mga taong naroroon
lamang.
“Brod! Nandito na pala ang ating hinihintay” wika ng isang kasamahan ni Brando.
“Tamang-tama ‘yan, mabibinat na naman ang bisig ko” sambit ng isa pa. Nagulat
na lamang siyang binigyang galang ng isa nilang kasamahan ang taong naroroon.
“Master Magandang Umaga po” sabay yuko ng ulo nito.
“Oh bakit ‘di ka nagbibigay-galang Jose kina
Master”
“Sino bang Master ang sinasabi mo?’’aniya.
“Bakit, sino ba sila? Hindi naman sila mga magulang
ko para bigyan ko ng galang.”
“Ah ganun ba! Ganun…”sabay suntok sa kanyang
katawan.Napadapa ng tuwiran si Jose sa pagkakasuntok ng lalaking yaon. “Sige
pahubarin na ninyo ang mga iyan.”Agad itong sinunod ng kasamahan ni Brando.
Hinubad nito ang short at ang tira’y kanilang panloob na pananamit.
“Pahubarin na rin ang isang ‘yan Brod!” “Oh bakit
ganyan ang isang ‘yan, ‘di pa nga nagsisimula nahimatay na agad, pambihira!
Tawanan ang mga kasamahan nito.
“Sige pahubarin na ‘yan.” Piniringan ang mga mata
ni Jose at saglit pa’y naramdaman na niya ang pagdampi ng matigas na bagay sa
kanyang katawan. Paulit-ulit niya itong naramdaman hanggang humantong ito sa
kanyang paghihina. Narinig niya ang mga kasamahan ni Brando nanagkikisay sa
sakit na dulot ng paghagupit ng bagay na iyon.
Doon siya natutuhan sa pagkakataong iyon, ang mga agam-agam at hinanakit niya
sa buhay. “Masarap pa ring mabuhay kahit minsay naghihirap ka.” Iyan marahil
ang pumasok sa kanyang isipan buhat ng maranasan niya ang sakit na idinulot ng
pagsuway niya sa kanyang magulang. Naisip din niya ang mga bagay na mula noon
na doon na naunawaan ang tunay na kabuluhan ng buhay. Ang paulit-ulit na
panambitan ng kanyang isipan sa pagkakatayo na tinatahak niya ang daan tungo sa
kamatayan.
HAAHHAHA
ReplyDelete('-')
('_')
('-')
OOOOOOOOOOOOOOOOOOOO
.