Thursday, August 25, 2016

Wastong gamit ng din/rin, dito/rito, daw/raw

Ang raw, rito, rin, roon at rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel - a, e i, o, u) o malapatinig (semi-vowel - w, y).
Halimbawa:
1. Pumunta ka rito.
2. Taga-Dabaw (Dabao) rin si Imelda.
3. Nag-aaway raw ang mga bata.
4. Maliligo rine ang mga dalaga.
5. Patungo roon ang mga kandidato.

Ang daw, dito, dindoon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant).
Halimbawa:
1. Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
2. Pupunta rin dito ang mga artista.
3. Yayaman din tayo balang araw.

Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap.
Halimbawa:
1. Dito ba tayo maghihintay?

2. Doon na tayo mananghalian sa bahay.

No comments:

Post a Comment