Pagbabagong
Morpoponemiko
Iba't
Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
1. Asimilasyon
- kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /,
ang
panlaping pang- ay
nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman
kapag
ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.
Paalala: Nananatilinng pang- kapag
ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k,
m,
n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( -
) kapag
ang
salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.
Halimbawa:
1.
Pang + lunas - panglunas - panlunas
2.
Pang = baon - pangbaon - pambaon
3.
Pang + kulay - pangkulay
4.
Pang + isahan - pang - isahan
2. Pagkakaltas -
sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng
salita
Halimbawa:
1.
Sunod + in - sunodin - sundin
2.
Takip + an - takipan - takpan
3.
Dala + han - dalahan - dalhan
3. Maypalit -
may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita.
nagaganap
ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng
dalawang
patinig.
Halimbawa:
1.
Ma + dami - madami - marami
2.
Bakod + bakudan - bakuran
4. Pagpapaikli
ng salita - Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita.
Halimbawa:
1.
Hinatay ka - Tayka - teka
2.
Tayo na - Tayna - tena, tana
3.
Wikain mo - Ikamo - kamo
4.
Wika ko - ikako -
kako
No comments:
Post a Comment