Thursday, December 28, 2017

Crab Mentality

Crab Mentality

Kahulugan
Ang crab mentality ay isang kaugalian na kapag may nakikitang nakaaangat ang isang tao ay tatangkain niya itong ibaba o pabagkasin. Ito ay hango sa mga talangka na, kapag nilagay sa isang lalagyan(idk), ay hahatakin ang nakaangat umakyat pababa habang tinatangkang lumabas.
Epekto
Maraming kultura dito sa mundo. Mga kultura na nakakapagbago ng pamamamaraan sa ating buhay, mga kultura na pwedeng ipagmalaki ng isang bansa at maaaring makaapekto sa ating lipunan. Dito sa Pilipinas marami din tayong mga kultura tulad na lamang ng pagiging “hospitable” o mabuting pakikitungo sa tao ngunit meron din naman tayong mga negatibong kultura at isa na dito ang pagiging isang crab mentality o ang paghila ng mga nakakataas at dadalhin sa parehong antas.
             
Ang crab mentality ay maaring makita sa pang araw-araw  tulad na lamang kapag nataasan ka ng isang tao minsan ay sinisiraan mo siya upang bumaba ang kanyang reputasyon .Natawag ito na crab mentality dahil kapag nag lagay ka ng alimango sa isang lagayan susubukan nila na umakyat dito para makaalis at kapag pamalapit na sila makalabas ay hahatakin naman sila pababa ng kapwa alimango.  Sabi ng iba kung kaibigan kapag mayroon daw crab mentality ang isang tao maaari siyang di mapagkatiwalaan. Sabi naman ng isa kapag meron nito magiging pantay-pantay ang pagtingin nang bawat isa. Sabi naman ng isa ay maaring bumagal ang pag unlad natin kung lahat tayo ay maghihigitan pababa.
              
Ayon sa mga sinabi nila, maaari kung sabihin na talagang marami ang magiging epekto nito sa bansa, sa tao at sa lipunan. Siguro naman ay paminsan minsan ay maari naman natin itong gamitin sa iba ngunit dapat natin malaman na maari nitong maapektuhan ang iyong pagkakaibigan.

Dapat gawin
Imbes na tayo ay mainggit sa ibang asensadong tao, mas mabuti pa na tayo na lang ay mag-sikap. Tulungan ang sarili at gayahin ang mabubuti niyang ginawa kung bakit siya umasenso. Matuwa din tayo para sa kaniya dahil sa mabuti niyang kalagayan sa buhay. Hindi yung kamumuhian natin siya at iiwasan o ipapahamak. Tulungan din natin ang mga kababayang nag-hihirap o nangangilangan ng tulong na walang inaasahang kapalit.
Huwag nating pag-aksayahan ng oras ang pakikipag-away o ang gumawa ng hindi maganda sa ibang tao para lamang siya ay bumagsak. Sasakit lang ang ating ulo kakaisip o kakakunsumi at kakatanong sa sarili na bakit sila ay mas maswerte sa atin…o mag-isip o gumawa ng bagay kung papaano natin sila pababagsakin…Lahat ng masasamang balakin at iniiisip mo laban sa kapwa ay non-sense…nag-sasayang ka lang ng oras ng buhay mo, wala kang mapapala kungdi karma o malas sa buhay at mga wrinkles sa iyong mukha.
Mas masarap ang pakiramdam kapag maraming mga taong natutuwa sa’yo, kapag marami kang kaibigan, kapag marami kang blessing at kapag hindi ka nangungunsumi sa buhay ng iba para siya ay pabagsakin…Totoo ‘di ba?


No comments:

Post a Comment